Martes, Pebrero 22, 2011

Simpleng Talambuhay at Karanasan ni Emmanuel Jomao-as Lacanaria

Ang Aking
 Sarili

            Ako ay si Emmanuel Jomao-as Lacanaria.Ipinanganak ako noong September 11,1994 sa San Pablo City Laguna.Tubong Visayas ang aking mga magulang at dito na rin sila nagpakasalkung hindi ako nagkakamali sa Burugo,Leyte sila nagpakasal.Nagkaroon sila ng apat na anak ang una ay isang babae si Ate Laniena ngayo'y nasa ibang bansa at nagtatrabaho kasama niya doonang pinasan namin at ang nabuo nitong pamilya.Umalis siya noong 2003at umuwi noong 2005,ikwekwento ko na lang sa inyo mamaya ang nangyari noong sinundo namin siya sa Ninoy Aquino International Airport.Mga dalawang linggo pa lamang ang nakararaan o kulang-kulang isang buwan bumalik na agad siya sa Dubai.ngayon uuwi na siya sa darating na Abrilat hindi na muling babalik sa Dubai.Sinundan ito ng isang lalaki si kuya Jay-r wala kasing maipangalan ang aking mga magulang nag-iisip sila noon ng pangalan.Nagpahayag ang siang Nurse sabi niya gawin na lang daw Junior kasi walang magustuhang maipangalan kaya sinunod na lang nila ang pahayag ng Nurse.Sa ngayon nagtratrabaho siya sa Centro bilang isang Merchandiser at napakarami na niyang napagtrabahuhan bago siya lumipat dito nagtapos siya ng kolehiyo noong 2002.Sinundan ito ng isa pang babae si Ate Edlyn na nakatapos ng pag-aaral ng kolehiyo sa San Pablo Colleges sa kursong Bachelor of Science in Accounting. Nagtrabaho siya sa Global Corporation sa San Nicolas bilang isang Accounting Staff doon sa loob ng anim na buwan ngunit ayaw na niyang tumagal pa doon kaya hindi na niya dinagdagan pa ang buwan sa kontrata ,gusto pa nga siyang pagtrabahuhin doon ng mga mas nakatataas sa kanya pero gusto na niyang mag-review para sa darating na board exam upang maging isang Certified Public Accountant.Sinundan pa ito ng isa pang lalaki ang bunso walang iba kundi ako.Dati noong hindi pa ako isinisilang tumira sila sa Maynila at may bahay kami doon.Nang tumira sila dito sa San Pablo pumupunta pa rin sila sa Maynila para mamasyal.Nang isilang akong may matinding hika hindi na sila bumalik pa sa Maynila dahil pabalik-balik din ang hika ko at nagsusuka pa ako sa biyahe hanggang ngayon mahina pa rin ako sa biyahe.Sabi ng doktor unti unti daw mawawala ang hika ko sa paglaki at pagtanda ko.
My 1st Birthday
            Nang mag isang taon ako, sa San anton na kami nakatira at dito rin ako ipinanganak ang kalye nito ay M.leonor St. sa Barangay 2-E mas kilala sa tawag na San Anton.Noong kaarawan ko September 11,1995 syempre may handaan unang kaarawan nang isang sanggol.Madami ang dumalo sa kaarawan kong ito tulad ng aking mga tiyo,tiya,pinsan,pamangkin sa pinsan at syempre mga kapitbahay at pumunta rin yung mga kapitbahay na magiging kaibigan at kabarkada ko.Mga dalawang taon nakakapaglakadna ako pero natutumba pa paminsan-minsan nandiyan yung litrato ko noong madapa ako at tumato tapos nagpagpag ng kamy yung meron sa likod na mga halaman.
Ito yung nadapa ako. . .

Graduation ng Kindergarten
               Pumasok ako ng Kindergarten sa mismong labas ng San Anton Elementary School sa taong 2000.Naging kaklase ko dun yung anak ng kaibigan ng kaibigan ng panganay kong kapatid si Ate Lanie.Ang pangalan ng batang iyon ay Richard naging matalik ko yung kaibigan .Siya ay isang matapang,masipag,matulungin,masunurin at higit sa lahat hindi nang-iiwan ng kaibigan pero pag minsan medyo sutil din yung batang iyon.Naging kaklase ko rin sa paaralang iyon ang magiging kaklase ko sa pagtungtong ko sa elementarya.May mga nalahukan din akong mga pagdiriwang tulad ng NUtrition Month suot ang tsalekong may naka-stapler na mga litrato ng mga prutas at gulay noong July taong 2000.Pumarada kami,hindi ko lang alam kung ano ang ruta basta ang alam ko dumaan kami sa Sampaloc Lake pero doon lang kami sa taas at hindi kami bumaba at umikot.Noong mag Field Trip ang buong klase hindi ako sumama kahit may pambayad kami sa kadahilanang mahina talaga ako sa biyahe at madaling mahilo sa mga kulong na lugar gaya ng mga sasakyan na may apat na gulong kaya nanood na lang ako ng T.V. mag hapon sa bahay.Nang patapos na ang aking pag-aaral dito siguro mga 4 o 3 buwan na lang ay tapos na ako ng pag-aaral sa Kndergarten na ito.Habang ako ay kumakain ng lugaw na niluto ng nanay ko para sa miryenda naming magkakapatid.Ipinatong ko ang sulyaw na naglalaman ng lugaw na kinakain ko sa upuan habang ako ay nakaupo sa isa pang upuan,nanunuod kasi ako ng T.V. ng mangyari ito nasipa ng kuya ko ang paa ng upuang pinagpapatungan ng sulyaw na may lugaw habang siya ay naglalakad patungong kusina kaya nabasag ang sulyaw  at natalsikan ako ng buong bubog sa binti sa kanag paa ko ang laki nga ng sugat ko sinlaki ng mata.Nang makatapos ako ng pag-aaral sa Kindergarten na ito ipinagkaloob sa akin ang diploma noong Marso 21 sa taong 2001.Ang lugar kung saan ginanap ang paggawad sa akin nito ay sa Central Gym at lakas-loob akong umakyat sa entablado at kinuha ang aking diploma at nakipagkamay.Noong nakatapos ako, ipinasok ako ng aking ina sa Kindergarten ulit na iyon para sa Summer Class pareho ng lugar at pareho rin ng guro.Para nga lang akong nasa sa paaralang iyon kasi sa parteng likod ng kwartong iyon may bahay-bahayan na may lamang mga teddy bear at mga laruan.Noong bata pa kasi ako lagi akong ibinibili ng aking mga magulang at kapatid ng laruan sa Jollibee at Mcdo kaya lagi kaming nakain sa mga ganyang lugar.Balik tayo sa pag-aaral ko,marami akong natutunan sa Summer Class na iyon dahil ang mga itinuro sa amin noon ay pinag-aaralan na ng mga nasa mabababang antas sa elementarya.Sa pagpasok ko dito naging kaklase ko ang magiging kaklase at achievers sa pagpasok ko sa Elementarya.
Grade 5 Student
Jeet Kune Do
My 7th Birthday
                 Nang pumasok na ako ng Grade 1 sa San Anton Elementary School sa taong 2001 araw-araw kaming nagsasagawa ng flag ceremony kaya nasaulo ko na lahatng mga ginagawa dito tulad ng pag-awit ng Lpang Hinirang at Ako ay Pilipino pati exercise at step by step nito ay nasaulo ko na.Sa taon ng pag-aaral ko dito napanood ko ang isa sa mga pelikula ni Stephen Chow ang Shaolin Soccer kaya siguro nahilig rin ako sa pag-aaral ng Kung Fu sa Style na Jeet Kune Do dahil dito at siguro dahil na din sa ang ama ko ay isa ring Martial Artist nagturo kasi siya dati ng Taekwondo kaya lang ngayon hindi na niya ginagawa iyon kasi medyo matanda na siya.Habang ako ay nag-aaral dito nagkasakit ako ng sakit na tinatawag na Typhoid,diba ang mga nagkakasakit nito ay yung mga nakakain ng maduming pagkain.Bumili kasi ako ng bopis sa daan papuntang paaralan yung tigpipiso yun daw ata ang dahilan kung bakit ako nagkasit ng Typhoid.Lampas kalahating buwan akong nasa ospital at nagpapagaling.Lagi akong binibisita ng mga kamag-anak ko at may mga dala pa silang pagkain tulad ng mga prutas,pagkain ng isang bata gaya ng Jellyace,footlong yung binibili sa Big Mak,mga pagkain sa Jollibee at marami pang iba.Hindi naman ako nababagot magpagaling sa ospital kais may T.V. naman sa kwarto ko kaya kahit papaano naman ay nalilibang ako.Tandang-tanda ko pa nga noong kunan ako ng dugo sa hintuturo ko sa kanang kamay ko,natutulog kasi ako nagising ako dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko at talagang umiyak ako.kapag nilalagyan ako ng dextrose pinapipili ako ng nurse kung saang parte ng likod ng palad ko ako tuturukan ang pinipili koa ay sa gitna.Sa dami ng tinuturok sa akin halos araw-araw ata akong tinuturukan sa dami ng mga iton.Pagkagaling ko sa sakit na ito bumalik na agad ako sa paaralan upang mag-aral at hindi na ako nagpahinga sa bahay.Pagkalipas ng ilang buwan nakagat naman ako ng aso nakatambay kasi kami malapit sa bahay nina Richard.Bibili kasi ako noon sa tindahan malapit sa kinalalagyan namin bigla na lang akong kinagat ng asong nagngangalang Tabong kinagat ako nito sa hita ko.Umiiyak akong umuwi sa amin at sinabi kong nakagat ako ng aso dinala naman ako kaagad ng nanay ko sa ospital at tinurukan na naman ako.Sa pagpapatuloy ko ng pag-aaral sa Grade 1 ang mga tinuturo sa amin ay naituro na asa akin noong Summer Class sa Kindergarten kaya hindi ako nahihirapang pataasin ang aking marka noon.Natatandaan ko pa nga noon kapag nakakakuha ng Zero ang mga kaklase ko sa Spelling umiikot sila sa buong silid na parang bibe at nagsasabing ''Quack,Quack,Quack''.Pero ako, hindi ako nakakakuha ng ganoong marka.Nang makatapos na ako ng Grade 1,syempre Grade 2 na ako,wala namang masyadong nangyari sa akin sa taong ito.Nang makatapos na ako ng Grade 2 Summer na bakasyon na naman.Nagpatuli na ako at hindi ako umiyak habang tinutulian ako at ng gumaling na ito saktong papatapos na ang bakasyon mga ilang linggo na lang at papasok na naman ako.Dumating na ang pasukan,syempre pumasok ako at wala ring masyadong nangyari sa akin sa taong ito.Punta na tayo sa Grade 4 wala ring masyadong nangyari sa akin sa taong ito kaya punta na tayo sa pagiging Grade 5 student.Sa taong ito umuwi ang kapatid ko dito sa Pilipinas galing Dubai si Ate Lanie kilala niyo na sya diba siya yung ikinenwento ko sa inyo kanina.Heto pa ang magpapatunay na mahina talaga ako sa biyahe.Sinundo namin siya sa Ninoy Aquino International Airport nang dumating kami dito hilong-hilo na ako hindi pa naman ako nagsusuka kasi meyo nakatulog ako sa biyahe pagkatapos nito ay pumunta kami sa Festival Mall sa Sucat.Pagdating namin dito sa nasabing Mall ginising ako ng nanay ko kasi nakatulog ako sa biyahe,sa paggising ko napasuka ako sa loob ng Van.Pumasok na kami sa Mall tapos may binili sila ewan ko kung ano hindi ko na inintindi ang bagay na iyon.Kumain kami sa Jollibee pagkatapos nun ay sumakay na ulit kami sa Van at umuwi na dito sa San Pablo gabi na kami nakarating at ang daming bumati sa kapatid ko sa mga araw na nandito ang kapatid ko namimigay siya ng tsokolate sa mga kapitbahay at kaibigan.Naisulat ko na kanina diba na bumalik siya agad sa Dubai makaraan ang dalawang linggo.Wala na akong masyadong naaalala ng nag-aaral pa ako dito sa Grade 5.Nang mag Grade 6 ako wala rin masyadong nangyari sa akin dito.Pagkatapos ko ng pag-aaral ng elementarya nag-isip-isip ako kung saan ako papasok sabi ko sa sarili ko sa Dizon High na lang ako papasok kasi medyo may mga kilala rin naman ako dito at alam ko rin namang magkakaroon rin ako ng madaming kaibigan dito.
                Sa pagpasok ko dito sa Dizon High marami nga akong nakilalang kaibigan dito pero noong una medyo nahihirapan ako sa pag-aaral dito ang hirap ng pinag-aralan noong una ung Alibata sa Filipino nahirapan talaga ako doon.Nang makatapos na ako sa pagiging isang Freshmen dito pa rin ako pumasok ng 2nd year,3rd year at 4th year.Ngayong 4th year student at Senior na ako nakapagtanim naman kami ng magagandang ala-ala at natutunan sa isipan namin na kailanman ay hindi na mawawalay sa amin.Napakaaktibo rin ng aming seksyon lumalahok kami sa mga contest sa paaralan at nananalo.Ngayong ilang buwan na lang at aalis na kami dito sa paaralang ito masaya ako na dito ako pumasok at nag-aral at masaya rin akong dito ako magtatapos ng hayskul kasama ang aking mga kaibigan at sabik na sabik na rin akong pumasok sa kolehiyo
                   Sana ay mag-iwan sa inyo ng ngiti ang pagbasa sa aking talambuhay at maraming salamat sa pagbasa.

Lunes, Pebrero 21, 2011

ANG TALAMBUHAY NI GRETEL SHAEY PEDRAJA .

    Ako si Gretel Shaey T. Pedraja ,bunsong anak nina Gary B. Pedraja at Rosalie T. Pedraja .Ang aking nag-iisang kapatid ay si Kimberly Grace T. Pedraja .Kami ay nakatira sa San Lorenzo San Pablo City .Pinanganak ako noong April 9, 1995 at ang a lang ang pamumuhay namin ,masaya kahit minsan kapos sa pera .pero ayos lang dahil nakakaraos naman kami sa pangaraw-aking kapatid ay noong March 9, 1994 .Ikinasal ang aking mga magulang noong May 21,1993 .


    Ang naikwento sa akin ni inay noong bata pa ako ay lagi daw kami napapag kamalan ni ate na kambal ,kasi sa ipit palang ng aming buhok ay parehas na maging sa aming mga damit ay pareho sa kulay lang nagkaka-iba .Minsan niloloko pa kami sa amin kasi daw bakit tatay-ama ang tawag namin sa aming tatay hindi ko nga alam kung bakit ganun eh .Puwede naman daw tatay nalang ang itawag namin eh dun na kami nasanay ni ate sa tawag na iyon .Sabi pa ni inay non daw bata ako pag inaantok ako ay kinukutkot ko ang aking pusod kaya yon inilipat sa nguso ko kaya hanggang ngayon nandito pa rin .Nagagalit naman ang lola ko kasi ang laki ko na daw ganon pa rin ako tinatakot pa ako na hahaba daw ang aking nguso .Hindi ko naman mapigilan na magganon ako lalo na pag-antok na ako .


Ako at si ate kim .
noong Grade 2 ako .
Ms. Grade 2 :)


     Noong kinder naman ako ang natatandaan ko lang na pangyayari sa aking buhay ay napasok ako ng wala man lamang hatid sundo man lang kasi si inay ay nag-eerya ,si tatay-ama naman ay nasa cavite nagtatrabaho bilang isang gwardya .Natandaan ko noon kaya natanggal si tatay-ama gawa ni inay kasi ipinatanggal ni inay gawa ng nahuli ni inay na may kinakasama si tatay-ama .Noong mga panahong hinuhuli ni inay ang aking tatay ay graduate ako ng kinder tanda ko lola ko lang kasama ko non wala kami pera ,pati sapatos na isusuot ko wala kasi sira ang sapatos ko ginagamit ang ginawa ng lola ko nanghiram na lang para may maisuot ako .Pero kahit ganon nakagraduate pa rin ako na ayos .Ang dami ko pa nga mga ribbon hindi pa uso noon ang medal ay . Tanda ko dati best in writing ako pero ngayon para nang kinahig ng manok ang sulat ko .Meron din ako most behave ,best reader at marami pang iba .Hindi ko na tanda yung iba .


Class picture namin nung kinder :)



    Noon namang Grade 1 ako ,ang teacher ko non ay si mam Brione .Ang bait non kasi lagi na lang kaming may libreng tinapay kapag umaga ,magaling din siyang magturo .At ang hindi ko malilimutan kay mam kapag Valentine`s Day ay nagwa talaga siya ng paraan para manalo ang kaniyang muse at escort para sa Mr. and Ms. Valentine`s lahat naman ng kaniyang mga nagiging estudyante ay nananalo .Noon namang ako`y Grade 2 si ate naman ay Grade 3 ,laging nagagalit sa akin si ate kasi kapag may kaaway ako lagi ako sa kaniyang nagsusumbong .Noon ay naging muse ako nung Grade 2 ,ang saya pala kasi kapag kaawas ay magbabahay-bahay na kami sa panghihingi para mapadami ang aming ipon para manalo .Noong intramspumarada kami ang kapartner ko noon ay kaklase ko na escort naming si Arvin Kenneth Exconde .Malapit na ang Valentine`s Day nagbunutan ng kani-kaniyang partner para sa parada .Ang nabunot ko ay si John Carlo na Grade 6 na noon .Pumarada kami sa San Lorenzo lang ,mga nakasakay kami sa pedicab .Grade 3 kami ,sumayaw kami ng Cat Dance sa Sto.Angel Elementary School para sa Star Scout .Grade 4 kami nakilala ko ang 1st crush ko si Ramon Cargullo Jr. Naging mabuti naman kami magkaibigan  .Grade 5 kami nag-eensayo ang mga kinder ng kanilang graduation ,nagkalokohan kami ni Ramon kulitan at hanggang hindi ko sinasadya naitulak ko siya sa may hagdan ayun nabunot ang kaniyang isang ngipin ,napagalitan ako ni inay pati ng mga teacher .Ibinili ko naman siya ng gamot .Noong nagpasukan na ulit ang ginawa ng mga teacher pinagtabi na kami sa upuan tapos lagi na kaming niloloko .Grade 6 kami ang dami naming kalokohan ,may best friend ako ,3 kami laging magkakasama ,si Beverly Ramos at si Carla Ellaine Ticzon .lagi kaming hindi napasok kapag hapon .Lahat kaming magkaklase ay naliligo sa kakawa .Ang sarap kasing maligo kasi may falls .Nung minsan hindi kami pumasok ,naligo kami sa kakawa ayon naglalakad kami pauwi .Nahuli kami nina mam Hilda at sir Vinas ,napagalitan kami ,ipinatawag ang mga magulang namin ,hindi ko pinapunta si inay gawa ng papagalitan ako niyon .Malapit na ang graduation ,wala na kaming ginagawa noon ,minsan nah js kaming magkakaklase ,dun lang sa room namin ,ayon iyakan kami kasi alam naming magkakahiwa-hiwalay na kami ,graduation na eh .hindi makapagsimula gawa ng ang tagal ng isa kong kaklase ,sabi niya pagdating tinanghali siya ng gising ,ayon nagsimula na ang graduation ,ang saya namin pati si inay gawa ng dalawa ang medal ko pati ako nagtaka kasi alam ko isa lang .Pagkatapos non nag-uwian na kami .Maggagabihan na kinaon ako nila Joy Maristela at Beverly Ramos ,pupunta daw kami kila Kelvin .Bakasyon lagi kaming nasa amin ni ate wala na kaming ginawa kundi mag-away 



Sumayaw kami ng Cat Dance :)


     Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School doon ako nag-enrol nung 1st year .Ang una kong naging Best Friend ay si Ladilyn Puno .Ang favorite ko nung 1st year kami ay lagi kaming nagawa nang tula sa Filipino .Ang teacher namin ay si Sir Lacsam ,ang pinakamagandang tulang nagawa ko ay ang Makata .Ang taas ng marka ko dun sa ginwa ko .Pagkatapos non ,ginurupo kami at nagpaligsahan sa paggawa ng tula ang grupo namin ay nakakuha ng 2nd place .Tinula namin noon ay ang Anino na gawa ni Jennifer Timbas . 


   2nd year ako ,ang dami saming nawala pero ang dami ding dumagdag .Sa TLE naggawa kam ng short pati lumaban kami sa Florante at Laura .Ang saya  ,ako ay mang-aawit noon at nakakuha kami ng 2nd place .Nagbakasyon sa amin ang lola ko ang malungkot noon magpapasukan na ,si ate ay sumama kay lola sa Batanes .Doon siya pumasok ng 3rd year ,malungkot kasi wala na akong kasama pagpasok .


    3rd year nakilala ko ang 1st boy friend ko ,si Leonel Quinto ,sinagot ko siya nung November 28, 2009 at tumagal kami ng 9months .Tulad sa isang relasyon kala namin hindi na kami magkakahiwalay .pero naghiwalay pa din kami .Nung naghiwalay kami nakilala ko naman si Kim ,siya ang aking 2nd Boy friend ko ,dahil sa kaniya nakalimutan ko si Leonel ayon akala ko kami na ulit pero yun pero hindi .Nung 2 months kami hindi na siya nagparamdam .December 22, 2011 hindi ko makakalimutan ang pinakamsamang araw ,namatay ang lolo ko ,lahat kami malungkot kasi napakabait ng lolo ko .


High School Musical .
Katribo`17 ..


    4th year nakilala ko ang aking mga katribo ,Sila Badet,Cath,Pau,Rubilyn at Loren .Lagi kami magkakasama kahit saan ,lagi kami nagpapayuhan tungkol sa Love Life lalo na kay Cath na laging maraming problema .Noong November 04, 2011 ang saya naming lahat nanganak si tiya ng pangalawa niyang anak si Jared ,ang poging bata .Noong December 04, 2011 sinagot ko si Alwin Caballa ang Boy Friend ko na pinakamamahal ,ang saya ko kapag lagi siyang kasama .Nagpasko ,malungkot pati na nung Bagong Taon kasi hindi umuwi si ate .Tatlo lang kaming magkakasama noon .Pebrero 11, 2011 nag JS kaming tribo ,4 lang kaming sumama pero masaya ang Hawaiian Party .Pebrero 20, 2011 binyagan ng pinsan ko pati birthday ng kapatid niya ,si Jared ang una kong inaanak na pinsan ko din .Ito po ang talambuhay ko .


Ito ako ngayon .

:: Ang aking Buhay at Karanasan :: talambuhay ni Nineth T. Ilagan

Maliwanag na sa akin ang buhay at karanasan ko ay hindi basta-basta lamang. Nandiyan ang masaya at malungkot na pangyayari. Nagagalak ako dahil ito ang kauna-unahang kong pagkakataon na mailathala ang istorya ng aking buhay at karanasan.
Una, ako si Nineth Tolentino Ilagan, isinilang sa Brgy. San Miguel, San Pablo City, Laguna noong Ika-18 ng Enero taong 1995. Bunga ako ng mabuti mabunyag na pagsasamahan ng magkabiyak na sina Gng. Concepcion De Luna Tolentino at G. Nestor Abacan Ilagan. Sa kanilang  pagsasamahan nagkakilala sila sa Villa Escudero. Ang Trabaho ng aking ina ay tagalinis ng Museum at simbahan ng mga Escudero at ang aking aman naman ay hardinero, magsasaka sa tubigan. Sa tatag ng kanilang pagsasamahan nagpakasal sila sa Katedral noong ika-24 ng Hunyo taong 1976. Sa edad ng 22 ang aking ama at 20 anyos naman ang aking ina. Bunga ng pagsasamahan nila nagkaroon sila ng tatlong anak sina Alvin, Arnel, Norlyn. Sa hirap ng katayuan nila sa buhay sa Villa Escudero nagpasya silang lumipat ng tirahan dahil hindi maganda ang pamamalakad ng mga Escudero sakanila para  pagtrabahuhin ng walang kapalit na sweldo.

Naglakas looob silang tumira dito sa San Miguel dahil sa magandang oportunidad na ibinigay ng aking Lola’t Lolo napamanahan ng lupa at yun ang ginamit nilang pagkakakitaan para lagyan ng mga pananim na gulay. Simula noon naging maayos ang kanilang pamumuhay kaya nagkaroon muli sila ng limang anak na sina Alex, Aries, Noemi, Angelo, at ako. Lahat lahat ay walo kaming magkakapatid. Wala ni isa man sa aming ang isinilang at lumaking may kapansanan sa anumang bahagi ng katawan at isipan.  Ngunit nakalulungkot isipin na namatayan kami ng isang kapatid. Bunso man ako sa aming magkakapatid hanggad ko pa rin na ako ang bubuo ng amin g pagsasamahan. 

 Sa pagpapatulo anim na taong gulang lang ako ay nagsimula na akong mag-aral sa Day Care Center sa aming barangay. Mula sa aking ina siya ang nagtutro sa akin, kung papaano sumulat at bumasa. Hindi nagtagal nagtapos ako kahit wala akong karangalang natamo natutuwa pa rin ako dahil natapos ko ang isang taong pagiging Day Care sa pangangalaga ni Mrs. Dorry Catapia. Ika-22 ng Marso taong 2001 ang petsa kung kailan ako nagtapos.

Nagtapos ako noong Day Care Center


Ang bagong yugto ng aking buhay ay ang pagpasok ko ng ik-1 baytang sa mababang paaralang ng San Miguel Elementary, Ambray District. Simula noong pasukan halos takot at kaba ng naramdaman ko nang magsimula ang klase.  Sa kawalan pa ng muwang ay hindi ko alam kung paano ako matututong mag-isa na pumasok, tanda ko pa noon malimit aong umiiyak dahil ayaw kong magpaiwan ng mag-isa sa aking ina. Ngunit hindi nagtagal nakasanayan ko na ring ang mag-isa.

Sa pagtungtong ko ng ika-2 baytang hanggang sa ika-6 na baytang ang aking buhay at karanasan ay patuloy pa rin sa pakikibaka. Marami na ring oportunidad ang dumating sa aking karanasan gaya ng nakahiligan kong sumali sa  iba’t ibang kumpetisyon, pagsali sa mga School activities at makilahok sa mga sayaw at dulain. Nasabi ngang nasali ako sa mga sayaw ang larawang nasa ibaba ay patunay na alaala ko noong sumayaw ako noong Valentines Day noong nasa ika-3 baytang ako.

Sumayaw ako noong Valentine's Day
  


Mahilig man akong sumali sa mga patimpalak ng aming paaralan, nakahiligan ko na laging kuhanin akong abay sa mga kasal. Kahit maigsi lang ang panahon na nagugugol ko noong bata pa ako sa ganoong kalagayan naranasan ko namang makihalobilo sa ibang tao sa larawang nasa ibaba natutuwa ako dahil kahit papaano nakikita ko pa rin ang aking larawan ng umaabay pa ako dati.

Ang aking larawan noong umabay ako sa kasal ng aking pinsan. 
    


Ang karanasan ko sa pagtungtong ng ika-6 na baytang. Sa lawak na rin ng aking kaalaman alam ko na ang tama at mali ngunit sa mga bagay na hindi inaasahan mahirap sa isang mag-aaral o graduating ang malallpit sa disgrasya. Mahirap na rin sa aming makakaklase ang mawalan kami ng isang mabait na kaibigan o kaklase dahil graduating nga malapit sa trahedya. Sa mga oras na iyon hindi naming inaasahan na mawawalan kami ng isang kaklase dahil natuklaw ito ng kobra. Kaya payo ko sa mga graduating mag-ingat palagi huwag kayong pakaksiguro na sa lahat ng oras ay palagi tayong ligtas. Nakakalungkot mang isipin ang nagyari pero siguro masaya namn kung ikaw ay makakpagtapos ng walang problema. Huling linggo na lang ang igugugol namin at magtatapos na kami ng aking mga kaklase at aking mga kaibigan, bilang pagseselebrate at magtatapos na nga kami napag-isipan naming magkakabarkada na mag-inom. Alam kong bata pa kami para  matutong mag-inom dahil sa katuwaan sa loob ng library room kami nag-inom ng aking mga kaibigan ng “Colt 45”. Pagkatapos nalaman ng ibang tao at ang mga guro namin na nag-inom kami simula noon naging usap-usapan na kaming magkakaibigan at magkakabarkada ang batch daw namin ay “Colt 45”.


GRUPONG COLT 45

Muli ang bagong yugto ng aking buhay ay ang pagpasok ko sa sekondarya sa mababang paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial NHS. Ika-1 antas, nasa section C na ako sa pangangalaga ni Mrs. Edna Belen. Una ko palang na tumungtong ng 1st year, naiisip ko na parang mahirap mag-aral ng nag-iisa dahil wala pa akong masyadong kakilala pero hindi nagatagal ay nakasanayan ko na ring makihalubilo sa ibang tao at nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Sa ika-2 antas nasa section C parin ako, sa aking pagpapatuloy marami na rin akong nasalihan tulad ng paglaban ng Florante at Laura, pagsama sa mga Field trip, Field demo atbp. Ika-3 antas nasa section C pa rin ako, nakasayang kong sumasali pa rin sa mga aktibidades tulad ng Field demo at JS Prom. At ngayon nasa ika-4 na antas na ako, nasa section C pa rin ako masasabi ko ay orihinal na estudyante ng nasa section C pa rin.

Isang karangalang para sa akin na 4th year na ako at ito na ang huling taon ko sa paaralan ng Dizon High. Sa tagal kong inilagi sa paaralan ngayong 4th year ko lang napagtanto na napakarami kong karanasan na hindi o makakalimutan tulad ng pasayaw ulit ng field demo, JS Prom at division  meet,  pagsali sa English week na nakakamit kami ng 2nd place pero sa 4 conquerrors at kay Ma’am Banzuela kami ang desrving na ma 1st place. Sumali din kami sa mini olypics at cgeerdance hindi man kami pinalad na maging kampyon malaking karangalan sa amin ang lumaban kami ng pantay. 




ENGLISH Week


JS Prom 2011


FIELD DEMO


DIVISION MEET


          Sa grupong maiingay na sina Karla, Mikiko, Rich, Elizabeth, Zylene, Marybel, Ailene sila ang aking mga kaibigan na lagi kong nakakasama at tumutulong sa akin sa mga oras na ko’y nangangailangan malaki ang aking utang na loob sa kanila dahil malaki ang pag-unawa nila sa akin. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sila. 



TROPANG MAINGAY

Sa dami ng aking karanasan sa buhay marami din akong gustong pasalamatan, si Rischelle ang matalik kong kaibigan na kasama ko sa loob ng apat na taon. Mikiko at Karla ang malimit kong kasama palagi. Ma’am Dadivas na walang sawang na unawain ang maiingay na 4-C. nanay at Tatay ko na buong-buo ang suporta at pagmamahal ang ipinadadama sa akin.

Tropang ma'iingay



           Sa paghubog ng aking pagdadalaga napapansin kong maraming pagbabago ang nangyari sa akin tulad ng pag-aayos ko ng aking sarili, pagkaadik sa pagpipicture, sa pagkakaroon ng maraming crush pero isasaisip ko parin ang aking pag-aaral. 




Ang aking mga larawan

            






Ito ang aking buhay at karanasan sa loob ng labing anim na taon. Sa pamamagitan ng pagtatala ng aking buhay alam kong marami akong natutunan mga aral sa mga oras, araw ng aking nakaraan. Sana ay makapulot kayo ng mga aral at lumawig a ang inyong isipan sa mga kaalamang nakapaloob sa aking talambuhay.












Sabado, Pebrero 19, 2011

♥The Journey of my Life♥ (Talambuhay ni Marybel B. Suarez)

     Ako si Marybel B. Suarez isinilang ako sa Plaridel, Quezon noong Pebrero 18, 1995. Sina Marilou at Blusilito Suarez ang aking mga magulang. Tatlo kaming magkakapatid ako ang bunso sa amin. Ang panganay kong kapatid ay si Maryblu, ang pangalawa naman ay si Angelica. Simple lang ang aming pamumuhay, tahimik at masaya.
Larawan ng aking pamilya

     Mayroon kaming inaalagaang bata itinuturing na din namin siyang tunay na kapatid. Simula pa noong siya ay 5 months palang, nasa amin na siya hanggang ngayong 5 years old na siya. Ang pangalan niya ay Solei. Naito ang larawan niya ngayong 5 years old na siya.
5 years old
      Tuwing kami ay magbabakasyon napunta kami sa Plaridel. Doon nakatira ang magulang ni Mama. Pinupuntahan namin sila Lolo at Lola namin. Mayroon doon dagat. Lagi kaming naliligo doon, ng huhuli rin kami ng maliliit na isda tuwing low tide. Ang saya mayroon di doong bundok. Umaakyat kami sa tuktok, pagtumingin ka sa paligid kitang-kita mo ang buong karagatan ang gandag pagmasdan noon.

     Noong ako ay bata palang nagkasugat ako sa noo. Nalaglag kasi ako sa kanal at tumama ang aking noo sa kanto nito. Dugong-dugo pa nga aking sugat ko, buti na lamang at may nakakita sa akin na kapit-bahay namin. Kinuha niya ako sa kanal at iniuwi sa amin. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang peklat ng sugat.

     Nagkapeklat di ako sa dalaa kong binti.Yung nasa kanan malaki ng kaunti, yung nasa kaliwa naman wala masyadong peklat. Kaya ako nagkapeklat kasi nung kami ay naglalaro ng mga kalaro ko, nagtatakbuhan kami papunta sa kanila. Ang kanyang nanay ay nagpapakulo ng panglanggas ng sugat ng anak niya. Yung aking kalaro ang unang tumakbo papasok sa kanila, nadali niya ang kanyang ina na hahanguin naman ang pinapakulo nito. Saktong takbo ko noon papasok sa kanila kaya sa aking binti natapon ang pinapakuluan nnito. Nalapnos ang aking binti, lumobo ito ng malalaki na may tubig sa loob. Ang tagal nito bago gumaling. Lagi akong buhat-buhat nang aking Mama, lagi  rin akong pinapacheck-up sa doctor para hindi mainfection ang lapnos ko.

     Ako ay nagkinder noong 5 years old sa St. Francis Day Care Center. Lagi akong binabantayan ni mama. Tuwing kami ay uuwi lagi niya akong binibilhan ng kendi yung naputok sa dila, tuwang-tuwa ako noon. Nang ako ay nagtapos ginanap ito sa Liceo de San Pablo noong Marso, 2001. Nagkaroon ako noon ng medalya hindi ko na lang tanda kung pang-ilan ako.
Larawan noong ako ay sinasabitan
ng medalya

     Nang ikasal naman ang Tito ko, kinuha kami ng pinsan ko para maging flower girls. Nakakahiya nga sa mga kamag-anak ng mapapang-asawa niya, kaya lagi kaming nasa loob ng kuwarto ng mga kapatid at pisan ko. 
Larawan ko noong ako
ay umabay

     Nag-elementarya naman ako sa Don Enrique Bautista Elementary School (DEBES). Marami akong naging masasayang araw doon katulad noong grade 3 sumayaw ako kasama ang mga kaklase ko. Marami rin akong naging kaibigan lagi kaming naglalaro sa palaruan. Noong grade 6 naman lagi sumasakit ang ngipin ko. Noong hindi ko na kaya umiiyak ako habang may klase inaasikaso ako ng adviser namin. Pinasulat pa niya sa akin ang numero ng magulang ko para maitext niya at sunduin ako. Ang sakit-sakit talaga ng ngipin ko noon. Sinundo na ako ng magulang ko at pumunta kami sa dentista para magpabunot, pero hindi pumayag na bunutin dahil namamaga daw kaya pinapasta nalang yung isa ko pang ngipin. 
Larawan ko noong ako ay nagtapos
ng elementarya
     Ako ay nagsimulang maghighschool  sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool ang dami kong naging kaibigan dito. Marami ding masasaya at malulungkot na nangyari sa akin. Nang ako ay mag 1st year ako ay section D, lagi kami noong gabi na umuuwi noong mga Pebrero at Marso na. Magkakaroon na kasi kami nang laban sa Filipino at iyon ay Ibong Adarna. Ang taray pa nang nagtuturo sa amin iyon din ang nagturo sa amin ng Nutri-jingle. Kaya dapat lagi naming pagiigihan para hindi kami mapagalitan. Nakalaban naman kami ng maayos.

     Noong 2nd year naman ako naging section C na, dapat ay magiging B ako kaya lang kinulang ako sa point ng aking marka sayang nga kasi nandoon ang aking matalik na kaibigan pero ayos lang kasi naging kaklase ko parin ang aking isa pang matalik na kaibigan. Noong kami ay lalaban sa Florante at Laura lagi rin kaming ginagabi pero ayos lang dahil nagbunga naman ang aming pinaghirapan. 
Larawan ng aking matatalik na kaibigan

       Noong ako ay 3rd year nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Lagi kaming magkakasama, ang saya namin dahil tuwing may bakante kaming oras napunta kami sa computer shop. Nagkaroon din kami ng JS prom pero hindi naman ako naging masaya dahil nakakaantok. Nakakahiya din noon dahil noong ako ay uupo biglang hinila nung kaklase ko ang upuan, at ako ay napaupo sa sahig. Ang daming nakita,  kaya ako ay napaiyak pero siya ay napaiyak din habang humihingi siya ng tawad, pinatawad ko naman siya dahil kaibigan ko naman siya.

     At ngayong 4th year ang daming masasayang nangyari sa amin. Katulad ng sumali kami sa cheer dance competition. Noong nagpapraktis kami ang saya namin dahil habang nagiintay sa pagpapraktis naglalaro kami. Nang malapit na ang laban nagalit sa amin ang adviser namin na si Maam Dadivas dahil umalis kami ng paaralan para magpraktis pero hindi niya alam kaya siya nagalit. Nang laban na 
3rd place ang aming nakamit pero ayos lang kasi madami namang hindi makakalimutang pangyayari. Noong mini olympics sama-sama kami para icheer ang naglalaro naming kaklase. Kahit parati kaming talo ang saya parin namin dahil lagi kaming nagkukulitan. 

     Noong nag English month ang saya kagulo lagi kami tuwing may praktis. Ang nakamit namin noon ay 2nd place pero kahit ganoon masaya parin kami kasi 90 ang ibinigay sa aming marka nang aming guro sa naturang subject. Ito ang larawan namin matapos ang laban.
Larawan namin ng luman
sa English week

     Noong may paligsahan sa MAPEH para sa christmas jingle nagpraktis lang kami noong kinaumagahan na ng laban kagulo pa nga kami pero masaya dahil kahit kagulo nakakuha pa kami ng 2nd place kahit kami ay nagmamadali sa pagpapraktis. Nang christmas party naman ang saya din namin ang daming mga palaro nanalo pa nga kami ni May. Pagkatapos ng party naggala naman kami kung saan-saan ng mga kaibigan ko ito ang aming larawan noong christmas party
Larawan namin noong Christmas Party

     Ngayong Pebrero 11 nag JS prom kami ang saya noon kahit na nakakaantok nagkuhanan kami ng larawan kaya nawala ang aming bagot. Ito ang aming larawan ng mga kabarkada ko.
Larawan naming magkakaibigan
noong JS prom

     Hanggang dito nalang po muna ang aking talambuhay. Salamat po sa mga babasa nito.

Akong istorya, Tikang ak pagkabuhi yana... (Ang Talambuhay ni Ma.Angelica Labarda Tayobong)




        Ito ay isa sa mga tala ko sa aking buhay.Ang pangalan ko ay Ma.Angelica L. Tayobong, labing anim na taong gulang ako ay ipinangnak noong Hunyo 25, taong 1994.Ipinanganak ako sa Palo, Leyte.Limang taon ako ng ako ay dumating sa Laguna.
        Ang mga magulang ko ay sina Ma.Cristina at Jaime Tayobong.Ang mga kapatid ko ay sina James,Jeffrel,Jerald, Demetrio,Jaime at Jemuel.Pito kaming magkakapatid at ako ay nag-iisang babae.Ang hanapbuhay ng aking mga magulang ay nasa paghahalaman.
        Nasa-ikaapat na akong antas ng pag-aaral ng sekondarya sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National Highschool.Sa Placido Escudero Memorial School naman ako nag-aral ng elementarya, taong 2006-2007.




      Nasa ika-apat akong baitang ng makilala ko ang aking matalik na kaibigan siya ay si Twinkle Pauline A. Anenias.Simula noon "mare" na ang naging tawagan namin.Isa sa hindi ko malilimutan habang kasama ko siya ay nangyari noong Septyembre 23,2006 lumahok kami sa Council Wide GirlScout sa Batangas.Doon ay kasama ko siyang naligaw sa SM Lipa.Marami akongbagay na natutunan sakanya,tinuruan nya ako ng verses sa bibliya siya rin ang nagturo sakin ng pagbabasa ng bago at lumang tipan, mula sa pagbuklat nito at tamang pag kasunod-sunod ng mga verses.Siya din ang nagpakilala sakin kung sino sina Beyonce,Mariah Carey,Ellen,Gary Lewis, Dido, Jennifer Lopez,Britney Spears,Celine Dion at marami pang iba.Ipinaliwanga niya sa akin ang mundo ng showbiz kumpara sa hollywood.Mabait siyang kaibigan at isa siya sa mga taong nagpapahalaga sa pamilya ko at sa akin ng sobra.Magaling siyang kumanta kapag kami ay magkasama madalas ay nanonood kami ng pelikula,kumain o magpatugtog.Naalala ko nang kami ay nasa elementarya lagi kaming magkasama sa flag ceremony,recess,tanghalian at hanggang uwian, kahit sa upuan hindi kami naghihiwalay.Madalas din noon na pagalitan kami ng aming guro ng dahil sa kaingayan.Nakakalungkot lang ng dahil sa mag sesekondarya kinailangan din na mag hiwalay kami dahil sa pribadong paaralan siya papasok.Ganun pa man nanatili kaming matalik na magkaibigan.












Sa buhay ng tao natural na siguro ang pagkakaroon ng paborito at pagkahilig sa mga bagay-bagay.Mahilig akong magbasa ang paborito kung libro ay A time for us na     sinulat ni Liana ng My Special Valentine.Gusto ko rin ang libro nina Bob Ong (Mac Arthur),Jose Paulo (One Message Received),Marta Cecillia (Kristine) at  Arielle (Trilogy).Mahilig akong gumala, makinig ng kanta at umarte.ang paborito kung kanta ay The Glory of Love ng new found glory,sa banda naman ay spongecola,the police,parokya ni edgar,eraserheads at bamboo.Ang paborito kung singer ay si Sarah Geronimo,Juris at Yeng Constantino.Gusto ko naman ang mga kanta ni Rihanna at album ng Black Eyed Peas (Apple 'D app).Sa pelikula, isa sa mga naging paborito ko ay One More Chance nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.Ang paborito kug artista ay si Lorna Tolentino at Lea Salongga sa hollywood naman ay si Angelina Jollie.Ang cartoon character na madalas kung panoodin ay spongebob.Ang gusto kung kulay ay lilac,para sa akin kasi ay nababagay ang kulay na ito sa lahat ng okasyon.
        


                 Naging napaka hirap ng taong  nagdaan sa akin (2010) dahil sa mga aktibedades na linahukan ko.Nakadagdag pa ang pagiging presedente ko sa  (Supreme Student Government) SSG at (Division Federation Supreme Student Governmen) DFSSG peace officer, buti na lang marami akung naging katuwang na nakapag pagaan nito.Bagamat hindi naging madali nasisiyahan ako't nakasama ko sila.Ang simula ng pagiging presedente ko ay di ko makakamit kung wala ang kapwa ko dizonian na nagtiwala sa akin, sa mga guro at tagapayo ko noong panahon ng kampanya hanggang sa dulo ng aking pamumuno, ang mga kamagaaral ko na sumuporta sa akin malaki ang pasasalamat ko sakanila.Malaki nang karangalan na naging malapit sa akin at naging kaibigan ko ang mga taong nakasalamuha ko sa panahon ng aking panunungkulan.


                Ang sekondarya sa parte ng buhay ko ay isang makabukuhang oras na bumuo sa akin pagkatao nakakilala ako ng mga kaibigan na nagpasaya sa akin at nakasama ko sa panahon ng kalungkutan.Ang unang antas ang pinaka nakakatawa kung taon ng hayskul puno ito ng pagka isip bata, natatandaan ko pa kasama ko ang mga kaklase kung naglalaro ng sipa at chinesse garter, noon ay puno ako ng kapahatan ng isip at pag ka walang muwang.Nagsisimula pa lang ang aking kamalayan at sa una kung taon sa sekondrya ay tumambad sa akin ang mundo ng kompyuter at dito ako na-addict na sana noon ay iniwasan kuna.Ang ikalwang antas ang paborito kung taon ng pagiging sekondarya masaya lang ako sa panahong ito at walang masyadong prinoroblema.Kompyuter, pagbabasa ng libro, at sa pagtetext lang umiikot ang mundo ko.Ang ikatlong taon namay parang isang taon ng problema,suliranin,lungkot at pagdurusa sa akin.Ito ay dahil sa pamilya at pinansyal na aspeto.Ang taong ito ay naging napaka lungkot nabigo kasi ako sa pagibig(^^).Ngunit isa ito sa mga namimiss ko dahil siguro sa mga nakilala ko talaga ang tunay kung mga kaibigan.Sila ang aking naging kasama at nagsilbing tagapayo, bagay na tinatanaw kung utang na loob.




    


           
                 Graduation Day
                         (Ako at ang aking ina sa pagtatapos ng elementarya.
                   ito ay kinunan habang nagmamarcha kami)










Class Reunion White Tulips Batch -2006
ito ay kuha ko kasama ang aking mga naging kaeskwela ng magreunion kami nitong Abril 2010 sa bato resort.





                






          








                 Mikiko,Angelica.Bernadette,Ivy (MABI)


          Sila ang mga naging kasama ko sa unang taon ng aking pagaaral ng hayskul, naging mga matalik ko ding kaibigan.Si Mikiko,Ivy at Bernadette.




   


    













     


..BFF's espren..

( 3B mga kaibigan ko, kuha namin habang idinadaos ang cosmetic practical test( pinakaibabang larawan) sa TLE si aira(kanan)claire(gitna)lucky joy(kaliwa).Sila ang tunay na kaibigan na hindi ka iiwan kahit anong mangyari, uunawain ka at iintindihin sa lahat ng pagkakataon )


     
        



















CYOSECIANICT

ang aking mga kaibigan,minsan naming nakasanayang tawagin ang isa't isa na tiya.
(ang pinakaibabang larawan ay kinunan sa silid aralan bilang 2 nang CLDDMNHS)
ang lahat ng nasa itaas ay kuha sa SM San Pablo Oct.01.2010)





Bilang isang estudyante sa ika apat na antas, nalalapit na naman ang panibagong pagbubukas na bagong yugto ng aking buhay.
Nangangarap ako na balang araw ay maging isang guro.Inaasahan ko na makita ko ang aking sarili na nagtuturo, sanay mapagtagumpayan ko ang aking mithiin.Mula sa mga karanasan kuy masasabi kung napakasarap mabuhay.

Natatangi ang buhay natin masayang ang bawat alaala ay hindi natin malimutan.Mula sa ating pagkabata hanggang sa kung ano mang gulang tayo sa ngayon.Makabuluhan ang bawat pangyayari, kayat bigyan natin ito ng pagpapahalaga.


Sa mga kapwa ko magtatapos, magkaroon sana tayo ng mga adhikain na huhubog sa ating lahat mula sa ispirtwal,mental,pisikal at sosyal na aspeto nang sa gayon ay magkaroon tayo ng magandang kapakinabangan bilang marangal na mamamayan sa ating bansa.

Ito ang aking kwento mula sa aking pagsilang hanggang sa ngayon.(Ang akong istorya,Tikang ak pagkabuhi yana.)



:D