Sabado, Pebrero 19, 2011

Akong istorya, Tikang ak pagkabuhi yana... (Ang Talambuhay ni Ma.Angelica Labarda Tayobong)




        Ito ay isa sa mga tala ko sa aking buhay.Ang pangalan ko ay Ma.Angelica L. Tayobong, labing anim na taong gulang ako ay ipinangnak noong Hunyo 25, taong 1994.Ipinanganak ako sa Palo, Leyte.Limang taon ako ng ako ay dumating sa Laguna.
        Ang mga magulang ko ay sina Ma.Cristina at Jaime Tayobong.Ang mga kapatid ko ay sina James,Jeffrel,Jerald, Demetrio,Jaime at Jemuel.Pito kaming magkakapatid at ako ay nag-iisang babae.Ang hanapbuhay ng aking mga magulang ay nasa paghahalaman.
        Nasa-ikaapat na akong antas ng pag-aaral ng sekondarya sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National Highschool.Sa Placido Escudero Memorial School naman ako nag-aral ng elementarya, taong 2006-2007.




      Nasa ika-apat akong baitang ng makilala ko ang aking matalik na kaibigan siya ay si Twinkle Pauline A. Anenias.Simula noon "mare" na ang naging tawagan namin.Isa sa hindi ko malilimutan habang kasama ko siya ay nangyari noong Septyembre 23,2006 lumahok kami sa Council Wide GirlScout sa Batangas.Doon ay kasama ko siyang naligaw sa SM Lipa.Marami akongbagay na natutunan sakanya,tinuruan nya ako ng verses sa bibliya siya rin ang nagturo sakin ng pagbabasa ng bago at lumang tipan, mula sa pagbuklat nito at tamang pag kasunod-sunod ng mga verses.Siya din ang nagpakilala sakin kung sino sina Beyonce,Mariah Carey,Ellen,Gary Lewis, Dido, Jennifer Lopez,Britney Spears,Celine Dion at marami pang iba.Ipinaliwanga niya sa akin ang mundo ng showbiz kumpara sa hollywood.Mabait siyang kaibigan at isa siya sa mga taong nagpapahalaga sa pamilya ko at sa akin ng sobra.Magaling siyang kumanta kapag kami ay magkasama madalas ay nanonood kami ng pelikula,kumain o magpatugtog.Naalala ko nang kami ay nasa elementarya lagi kaming magkasama sa flag ceremony,recess,tanghalian at hanggang uwian, kahit sa upuan hindi kami naghihiwalay.Madalas din noon na pagalitan kami ng aming guro ng dahil sa kaingayan.Nakakalungkot lang ng dahil sa mag sesekondarya kinailangan din na mag hiwalay kami dahil sa pribadong paaralan siya papasok.Ganun pa man nanatili kaming matalik na magkaibigan.












Sa buhay ng tao natural na siguro ang pagkakaroon ng paborito at pagkahilig sa mga bagay-bagay.Mahilig akong magbasa ang paborito kung libro ay A time for us na     sinulat ni Liana ng My Special Valentine.Gusto ko rin ang libro nina Bob Ong (Mac Arthur),Jose Paulo (One Message Received),Marta Cecillia (Kristine) at  Arielle (Trilogy).Mahilig akong gumala, makinig ng kanta at umarte.ang paborito kung kanta ay The Glory of Love ng new found glory,sa banda naman ay spongecola,the police,parokya ni edgar,eraserheads at bamboo.Ang paborito kung singer ay si Sarah Geronimo,Juris at Yeng Constantino.Gusto ko naman ang mga kanta ni Rihanna at album ng Black Eyed Peas (Apple 'D app).Sa pelikula, isa sa mga naging paborito ko ay One More Chance nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.Ang paborito kug artista ay si Lorna Tolentino at Lea Salongga sa hollywood naman ay si Angelina Jollie.Ang cartoon character na madalas kung panoodin ay spongebob.Ang gusto kung kulay ay lilac,para sa akin kasi ay nababagay ang kulay na ito sa lahat ng okasyon.
        


                 Naging napaka hirap ng taong  nagdaan sa akin (2010) dahil sa mga aktibedades na linahukan ko.Nakadagdag pa ang pagiging presedente ko sa  (Supreme Student Government) SSG at (Division Federation Supreme Student Governmen) DFSSG peace officer, buti na lang marami akung naging katuwang na nakapag pagaan nito.Bagamat hindi naging madali nasisiyahan ako't nakasama ko sila.Ang simula ng pagiging presedente ko ay di ko makakamit kung wala ang kapwa ko dizonian na nagtiwala sa akin, sa mga guro at tagapayo ko noong panahon ng kampanya hanggang sa dulo ng aking pamumuno, ang mga kamagaaral ko na sumuporta sa akin malaki ang pasasalamat ko sakanila.Malaki nang karangalan na naging malapit sa akin at naging kaibigan ko ang mga taong nakasalamuha ko sa panahon ng aking panunungkulan.


                Ang sekondarya sa parte ng buhay ko ay isang makabukuhang oras na bumuo sa akin pagkatao nakakilala ako ng mga kaibigan na nagpasaya sa akin at nakasama ko sa panahon ng kalungkutan.Ang unang antas ang pinaka nakakatawa kung taon ng hayskul puno ito ng pagka isip bata, natatandaan ko pa kasama ko ang mga kaklase kung naglalaro ng sipa at chinesse garter, noon ay puno ako ng kapahatan ng isip at pag ka walang muwang.Nagsisimula pa lang ang aking kamalayan at sa una kung taon sa sekondrya ay tumambad sa akin ang mundo ng kompyuter at dito ako na-addict na sana noon ay iniwasan kuna.Ang ikalwang antas ang paborito kung taon ng pagiging sekondarya masaya lang ako sa panahong ito at walang masyadong prinoroblema.Kompyuter, pagbabasa ng libro, at sa pagtetext lang umiikot ang mundo ko.Ang ikatlong taon namay parang isang taon ng problema,suliranin,lungkot at pagdurusa sa akin.Ito ay dahil sa pamilya at pinansyal na aspeto.Ang taong ito ay naging napaka lungkot nabigo kasi ako sa pagibig(^^).Ngunit isa ito sa mga namimiss ko dahil siguro sa mga nakilala ko talaga ang tunay kung mga kaibigan.Sila ang aking naging kasama at nagsilbing tagapayo, bagay na tinatanaw kung utang na loob.




    


           
                 Graduation Day
                         (Ako at ang aking ina sa pagtatapos ng elementarya.
                   ito ay kinunan habang nagmamarcha kami)










Class Reunion White Tulips Batch -2006
ito ay kuha ko kasama ang aking mga naging kaeskwela ng magreunion kami nitong Abril 2010 sa bato resort.





                






          








                 Mikiko,Angelica.Bernadette,Ivy (MABI)


          Sila ang mga naging kasama ko sa unang taon ng aking pagaaral ng hayskul, naging mga matalik ko ding kaibigan.Si Mikiko,Ivy at Bernadette.




   


    













     


..BFF's espren..

( 3B mga kaibigan ko, kuha namin habang idinadaos ang cosmetic practical test( pinakaibabang larawan) sa TLE si aira(kanan)claire(gitna)lucky joy(kaliwa).Sila ang tunay na kaibigan na hindi ka iiwan kahit anong mangyari, uunawain ka at iintindihin sa lahat ng pagkakataon )


     
        



















CYOSECIANICT

ang aking mga kaibigan,minsan naming nakasanayang tawagin ang isa't isa na tiya.
(ang pinakaibabang larawan ay kinunan sa silid aralan bilang 2 nang CLDDMNHS)
ang lahat ng nasa itaas ay kuha sa SM San Pablo Oct.01.2010)





Bilang isang estudyante sa ika apat na antas, nalalapit na naman ang panibagong pagbubukas na bagong yugto ng aking buhay.
Nangangarap ako na balang araw ay maging isang guro.Inaasahan ko na makita ko ang aking sarili na nagtuturo, sanay mapagtagumpayan ko ang aking mithiin.Mula sa mga karanasan kuy masasabi kung napakasarap mabuhay.

Natatangi ang buhay natin masayang ang bawat alaala ay hindi natin malimutan.Mula sa ating pagkabata hanggang sa kung ano mang gulang tayo sa ngayon.Makabuluhan ang bawat pangyayari, kayat bigyan natin ito ng pagpapahalaga.


Sa mga kapwa ko magtatapos, magkaroon sana tayo ng mga adhikain na huhubog sa ating lahat mula sa ispirtwal,mental,pisikal at sosyal na aspeto nang sa gayon ay magkaroon tayo ng magandang kapakinabangan bilang marangal na mamamayan sa ating bansa.

Ito ang aking kwento mula sa aking pagsilang hanggang sa ngayon.(Ang akong istorya,Tikang ak pagkabuhi yana.)



:D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento