Larawan ng aking pamilya |
Mayroon kaming inaalagaang bata itinuturing na din namin siyang tunay na kapatid. Simula pa noong siya ay 5 months palang, nasa amin na siya hanggang ngayong 5 years old na siya. Ang pangalan niya ay Solei. Naito ang larawan niya ngayong 5 years old na siya.
5 years old |
Tuwing kami ay magbabakasyon napunta kami sa Plaridel. Doon nakatira ang magulang ni Mama. Pinupuntahan namin sila Lolo at Lola namin. Mayroon doon dagat. Lagi kaming naliligo doon, ng huhuli rin kami ng maliliit na isda tuwing low tide. Ang saya mayroon di doong bundok. Umaakyat kami sa tuktok, pagtumingin ka sa paligid kitang-kita mo ang buong karagatan ang gandag pagmasdan noon.
Noong ako ay bata palang nagkasugat ako sa noo. Nalaglag kasi ako sa kanal at tumama ang aking noo sa kanto nito. Dugong-dugo pa nga aking sugat ko, buti na lamang at may nakakita sa akin na kapit-bahay namin. Kinuha niya ako sa kanal at iniuwi sa amin. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang peklat ng sugat.
Nagkapeklat di ako sa dalaa kong binti.Yung nasa kanan malaki ng kaunti, yung nasa kaliwa naman wala masyadong peklat. Kaya ako nagkapeklat kasi nung kami ay naglalaro ng mga kalaro ko, nagtatakbuhan kami papunta sa kanila. Ang kanyang nanay ay nagpapakulo ng panglanggas ng sugat ng anak niya. Yung aking kalaro ang unang tumakbo papasok sa kanila, nadali niya ang kanyang ina na hahanguin naman ang pinapakulo nito. Saktong takbo ko noon papasok sa kanila kaya sa aking binti natapon ang pinapakuluan nnito. Nalapnos ang aking binti, lumobo ito ng malalaki na may tubig sa loob. Ang tagal nito bago gumaling. Lagi akong buhat-buhat nang aking Mama, lagi rin akong pinapacheck-up sa doctor para hindi mainfection ang lapnos ko.
Ako ay nagkinder noong 5 years old sa St. Francis Day Care Center. Lagi akong binabantayan ni mama. Tuwing kami ay uuwi lagi niya akong binibilhan ng kendi yung naputok sa dila, tuwang-tuwa ako noon. Nang ako ay nagtapos ginanap ito sa Liceo de San Pablo noong Marso, 2001. Nagkaroon ako noon ng medalya hindi ko na lang tanda kung pang-ilan ako.
Larawan noong ako ay sinasabitan ng medalya |
Nang ikasal naman ang Tito ko, kinuha kami ng pinsan ko para maging flower girls. Nakakahiya nga sa mga kamag-anak ng mapapang-asawa niya, kaya lagi kaming nasa loob ng kuwarto ng mga kapatid at pisan ko.
Larawan ko noong ako ay umabay |
Nag-elementarya naman ako sa Don Enrique Bautista Elementary School (DEBES). Marami akong naging masasayang araw doon katulad noong grade 3 sumayaw ako kasama ang mga kaklase ko. Marami rin akong naging kaibigan lagi kaming naglalaro sa palaruan. Noong grade 6 naman lagi sumasakit ang ngipin ko. Noong hindi ko na kaya umiiyak ako habang may klase inaasikaso ako ng adviser namin. Pinasulat pa niya sa akin ang numero ng magulang ko para maitext niya at sunduin ako. Ang sakit-sakit talaga ng ngipin ko noon. Sinundo na ako ng magulang ko at pumunta kami sa dentista para magpabunot, pero hindi pumayag na bunutin dahil namamaga daw kaya pinapasta nalang yung isa ko pang ngipin.
Larawan ko noong ako ay nagtapos ng elementarya |
Ako ay nagsimulang maghighschool sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool ang dami kong naging kaibigan dito. Marami ding masasaya at malulungkot na nangyari sa akin. Nang ako ay mag 1st year ako ay section D, lagi kami noong gabi na umuuwi noong mga Pebrero at Marso na. Magkakaroon na kasi kami nang laban sa Filipino at iyon ay Ibong Adarna. Ang taray pa nang nagtuturo sa amin iyon din ang nagturo sa amin ng Nutri-jingle. Kaya dapat lagi naming pagiigihan para hindi kami mapagalitan. Nakalaban naman kami ng maayos.
Noong 2nd year naman ako naging section C na, dapat ay magiging B ako kaya lang kinulang ako sa point ng aking marka sayang nga kasi nandoon ang aking matalik na kaibigan pero ayos lang kasi naging kaklase ko parin ang aking isa pang matalik na kaibigan. Noong kami ay lalaban sa Florante at Laura lagi rin kaming ginagabi pero ayos lang dahil nagbunga naman ang aming pinaghirapan.
Larawan ng aking matatalik na kaibigan |
Noong ako ay 3rd year nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Lagi kaming magkakasama, ang saya namin dahil tuwing may bakante kaming oras napunta kami sa computer shop. Nagkaroon din kami ng JS prom pero hindi naman ako naging masaya dahil nakakaantok. Nakakahiya din noon dahil noong ako ay uupo biglang hinila nung kaklase ko ang upuan, at ako ay napaupo sa sahig. Ang daming nakita, kaya ako ay napaiyak pero siya ay napaiyak din habang humihingi siya ng tawad, pinatawad ko naman siya dahil kaibigan ko naman siya.
At ngayong 4th year ang daming masasayang nangyari sa amin. Katulad ng sumali kami sa cheer dance competition. Noong nagpapraktis kami ang saya namin dahil habang nagiintay sa pagpapraktis naglalaro kami. Nang malapit na ang laban nagalit sa amin ang adviser namin na si Maam Dadivas dahil umalis kami ng paaralan para magpraktis pero hindi niya alam kaya siya nagalit. Nang laban na
3rd place ang aming nakamit pero ayos lang kasi madami namang hindi makakalimutang pangyayari. Noong mini olympics sama-sama kami para icheer ang naglalaro naming kaklase. Kahit parati kaming talo ang saya parin namin dahil lagi kaming nagkukulitan.
Noong nag English month ang saya kagulo lagi kami tuwing may praktis. Ang nakamit namin noon ay 2nd place pero kahit ganoon masaya parin kami kasi 90 ang ibinigay sa aming marka nang aming guro sa naturang subject. Ito ang larawan namin matapos ang laban.
Larawan namin ng luman sa English week |
Noong may paligsahan sa MAPEH para sa christmas jingle nagpraktis lang kami noong kinaumagahan na ng laban kagulo pa nga kami pero masaya dahil kahit kagulo nakakuha pa kami ng 2nd place kahit kami ay nagmamadali sa pagpapraktis. Nang christmas party naman ang saya din namin ang daming mga palaro nanalo pa nga kami ni May. Pagkatapos ng party naggala naman kami kung saan-saan ng mga kaibigan ko ito ang aming larawan noong christmas party
Larawan namin noong Christmas Party |
Ngayong Pebrero 11 nag JS prom kami ang saya noon kahit na nakakaantok nagkuhanan kami ng larawan kaya nawala ang aming bagot. Ito ang aming larawan ng mga kabarkada ko.
Larawan naming magkakaibigan noong JS prom |
Hanggang dito nalang po muna ang aking talambuhay. Salamat po sa mga babasa nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento