Maliwanag na sa akin ang buhay at karanasan ko ay hindi basta-basta lamang. Nandiyan ang masaya at malungkot na pangyayari. Nagagalak ako dahil ito ang kauna-unahang kong pagkakataon na mailathala ang istorya ng aking buhay at karanasan.
Una, ako si Nineth Tolentino Ilagan, isinilang sa Brgy. San Miguel, San Pablo City, Laguna noong Ika-18 ng Enero taong 1995. Bunga ako ng mabuti mabunyag na pagsasamahan ng magkabiyak na sina Gng. Concepcion De Luna Tolentino at G. Nestor Abacan Ilagan. Sa kanilang pagsasamahan nagkakilala sila sa Villa Escudero. Ang Trabaho ng aking ina ay tagalinis ng Museum at simbahan ng mga Escudero at ang aking aman naman ay hardinero, magsasaka sa tubigan. Sa tatag ng kanilang pagsasamahan nagpakasal sila sa Katedral noong ika-24 ng Hunyo taong 1976. Sa edad ng 22 ang aking ama at 20 anyos naman ang aking ina. Bunga ng pagsasamahan nila nagkaroon sila ng tatlong anak sina Alvin, Arnel, Norlyn. Sa hirap ng katayuan nila sa buhay sa Villa Escudero nagpasya silang lumipat ng tirahan dahil hindi maganda ang pamamalakad ng mga Escudero sakanila para pagtrabahuhin ng walang kapalit na sweldo.
Naglakas looob silang tumira dito sa San Miguel dahil sa magandang oportunidad na ibinigay ng aking Lola’t Lolo napamanahan ng lupa at yun ang ginamit nilang pagkakakitaan para lagyan ng mga pananim na gulay. Simula noon naging maayos ang kanilang pamumuhay kaya nagkaroon muli sila ng limang anak na sina Alex, Aries, Noemi, Angelo, at ako. Lahat lahat ay walo kaming magkakapatid. Wala ni isa man sa aming ang isinilang at lumaking may kapansanan sa anumang bahagi ng katawan at isipan. Ngunit nakalulungkot isipin na namatayan kami ng isang kapatid. Bunso man ako sa aming magkakapatid hanggad ko pa rin na ako ang bubuo ng amin g pagsasamahan.
Sa pagpapatulo anim na taong gulang lang ako ay nagsimula na akong mag-aral sa Day Care Center sa aming barangay. Mula sa aking ina siya ang nagtutro sa akin, kung papaano sumulat at bumasa. Hindi nagtagal nagtapos ako kahit wala akong karangalang natamo natutuwa pa rin ako dahil natapos ko ang isang taong pagiging Day Care sa pangangalaga ni Mrs. Dorry Catapia. Ika-22 ng Marso taong 2001 ang petsa kung kailan ako nagtapos.
Nagtapos ako noong Day Care Center |
Ang bagong yugto ng aking buhay ay ang pagpasok ko ng ik-1 baytang sa mababang paaralang ng San Miguel Elementary, Ambray District. Simula noong pasukan halos takot at kaba ng naramdaman ko nang magsimula ang klase. Sa kawalan pa ng muwang ay hindi ko alam kung paano ako matututong mag-isa na pumasok, tanda ko pa noon malimit aong umiiyak dahil ayaw kong magpaiwan ng mag-isa sa aking ina. Ngunit hindi nagtagal nakasanayan ko na ring ang mag-isa.
Sa pagtungtong ko ng ika-2 baytang hanggang sa ika-6 na baytang ang aking buhay at karanasan ay patuloy pa rin sa pakikibaka. Marami na ring oportunidad ang dumating sa aking karanasan gaya ng nakahiligan kong sumali sa iba’t ibang kumpetisyon, pagsali sa mga School activities at makilahok sa mga sayaw at dulain. Nasabi ngang nasali ako sa mga sayaw ang larawang nasa ibaba ay patunay na alaala ko noong sumayaw ako noong Valentines Day noong nasa ika-3 baytang ako.
Sumayaw ako noong Valentine's Day |
Mahilig man akong sumali sa mga patimpalak ng aming paaralan, nakahiligan ko na laging kuhanin akong abay sa mga kasal. Kahit maigsi lang ang panahon na nagugugol ko noong bata pa ako sa ganoong kalagayan naranasan ko namang makihalobilo sa ibang tao sa larawang nasa ibaba natutuwa ako dahil kahit papaano nakikita ko pa rin ang aking larawan ng umaabay pa ako dati.
Ang aking larawan noong umabay ako sa kasal ng aking pinsan. |
Ang karanasan ko sa pagtungtong ng ika-6 na baytang. Sa lawak na rin ng aking kaalaman alam ko na ang tama at mali ngunit sa mga bagay na hindi inaasahan mahirap sa isang mag-aaral o graduating ang malallpit sa disgrasya. Mahirap na rin sa aming makakaklase ang mawalan kami ng isang mabait na kaibigan o kaklase dahil graduating nga malapit sa trahedya. Sa mga oras na iyon hindi naming inaasahan na mawawalan kami ng isang kaklase dahil natuklaw ito ng kobra. Kaya payo ko sa mga graduating mag-ingat palagi huwag kayong pakaksiguro na sa lahat ng oras ay palagi tayong ligtas. Nakakalungkot mang isipin ang nagyari pero siguro masaya namn kung ikaw ay makakpagtapos ng walang problema. Huling linggo na lang ang igugugol namin at magtatapos na kami ng aking mga kaklase at aking mga kaibigan, bilang pagseselebrate at magtatapos na nga kami napag-isipan naming magkakabarkada na mag-inom. Alam kong bata pa kami para matutong mag-inom dahil sa katuwaan sa loob ng library room kami nag-inom ng aking mga kaibigan ng “Colt 45”. Pagkatapos nalaman ng ibang tao at ang mga guro namin na nag-inom kami simula noon naging usap-usapan na kaming magkakaibigan at magkakabarkada ang batch daw namin ay “Colt 45”.
GRUPONG COLT 45
Muli ang bagong yugto ng aking buhay ay ang pagpasok ko sa sekondarya sa mababang paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial NHS. Ika-1 antas, nasa section C na ako sa pangangalaga ni Mrs. Edna Belen. Una ko palang na tumungtong ng 1st year, naiisip ko na parang mahirap mag-aral ng nag-iisa dahil wala pa akong masyadong kakilala pero hindi nagatagal ay nakasanayan ko na ring makihalubilo sa ibang tao at nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Sa ika-2 antas nasa section C parin ako, sa aking pagpapatuloy marami na rin akong nasalihan tulad ng paglaban ng Florante at Laura, pagsama sa mga Field trip, Field demo atbp. Ika-3 antas nasa section C pa rin ako, nakasayang kong sumasali pa rin sa mga aktibidades tulad ng Field demo at JS Prom. At ngayon nasa ika-4 na antas na ako, nasa section C pa rin ako masasabi ko ay orihinal na estudyante ng nasa section C pa rin.
Isang karangalang para sa akin na 4th year na ako at ito na ang huling taon ko sa paaralan ng Dizon High. Sa tagal kong inilagi sa paaralan ngayong 4th year ko lang napagtanto na napakarami kong karanasan na hindi o makakalimutan tulad ng pasayaw ulit ng field demo, JS Prom at division meet, pagsali sa English week na nakakamit kami ng 2nd place pero sa 4 conquerrors at kay Ma’am Banzuela kami ang desrving na ma 1st place. Sumali din kami sa mini olypics at cgeerdance hindi man kami pinalad na maging kampyon malaking karangalan sa amin ang lumaban kami ng pantay.
ENGLISH Week
JS Prom 2011
FIELD DEMO
DIVISION MEET
Sa grupong maiingay na sina Karla, Mikiko, Rich, Elizabeth, Zylene, Marybel, Ailene sila ang aking mga kaibigan na lagi kong nakakasama at tumutulong sa akin sa mga oras na ko’y nangangailangan malaki ang aking utang na loob sa kanila dahil malaki ang pag-unawa nila sa akin. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sila.
TROPANG MAINGAY
Sa dami ng aking karanasan sa buhay marami din akong gustong pasalamatan, si Rischelle ang matalik kong kaibigan na kasama ko sa loob ng apat na taon. Mikiko at Karla ang malimit kong kasama palagi. Ma’am Dadivas na walang sawang na unawain ang maiingay na 4-C. nanay at Tatay ko na buong-buo ang suporta at pagmamahal ang ipinadadama sa akin.
Tropang ma'iingay |
Sa paghubog ng aking pagdadalaga napapansin kong maraming pagbabago ang nangyari sa akin tulad ng pag-aayos ko ng aking sarili, pagkaadik sa pagpipicture, sa pagkakaroon ng maraming crush pero isasaisip ko parin ang aking pag-aaral.
Ang aking mga larawan
Ito ang aking buhay at karanasan sa loob ng labing anim na taon. Sa pamamagitan ng pagtatala ng aking buhay alam kong marami akong natutunan mga aral sa mga oras, araw ng aking nakaraan. Sana ay makapulot kayo ng mga aral at lumawig a ang inyong isipan sa mga kaalamang nakapaloob sa aking talambuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento