Lunes, Pebrero 21, 2011

ANG TALAMBUHAY NI GRETEL SHAEY PEDRAJA .

    Ako si Gretel Shaey T. Pedraja ,bunsong anak nina Gary B. Pedraja at Rosalie T. Pedraja .Ang aking nag-iisang kapatid ay si Kimberly Grace T. Pedraja .Kami ay nakatira sa San Lorenzo San Pablo City .Pinanganak ako noong April 9, 1995 at ang a lang ang pamumuhay namin ,masaya kahit minsan kapos sa pera .pero ayos lang dahil nakakaraos naman kami sa pangaraw-aking kapatid ay noong March 9, 1994 .Ikinasal ang aking mga magulang noong May 21,1993 .


    Ang naikwento sa akin ni inay noong bata pa ako ay lagi daw kami napapag kamalan ni ate na kambal ,kasi sa ipit palang ng aming buhok ay parehas na maging sa aming mga damit ay pareho sa kulay lang nagkaka-iba .Minsan niloloko pa kami sa amin kasi daw bakit tatay-ama ang tawag namin sa aming tatay hindi ko nga alam kung bakit ganun eh .Puwede naman daw tatay nalang ang itawag namin eh dun na kami nasanay ni ate sa tawag na iyon .Sabi pa ni inay non daw bata ako pag inaantok ako ay kinukutkot ko ang aking pusod kaya yon inilipat sa nguso ko kaya hanggang ngayon nandito pa rin .Nagagalit naman ang lola ko kasi ang laki ko na daw ganon pa rin ako tinatakot pa ako na hahaba daw ang aking nguso .Hindi ko naman mapigilan na magganon ako lalo na pag-antok na ako .


Ako at si ate kim .
noong Grade 2 ako .
Ms. Grade 2 :)


     Noong kinder naman ako ang natatandaan ko lang na pangyayari sa aking buhay ay napasok ako ng wala man lamang hatid sundo man lang kasi si inay ay nag-eerya ,si tatay-ama naman ay nasa cavite nagtatrabaho bilang isang gwardya .Natandaan ko noon kaya natanggal si tatay-ama gawa ni inay kasi ipinatanggal ni inay gawa ng nahuli ni inay na may kinakasama si tatay-ama .Noong mga panahong hinuhuli ni inay ang aking tatay ay graduate ako ng kinder tanda ko lola ko lang kasama ko non wala kami pera ,pati sapatos na isusuot ko wala kasi sira ang sapatos ko ginagamit ang ginawa ng lola ko nanghiram na lang para may maisuot ako .Pero kahit ganon nakagraduate pa rin ako na ayos .Ang dami ko pa nga mga ribbon hindi pa uso noon ang medal ay . Tanda ko dati best in writing ako pero ngayon para nang kinahig ng manok ang sulat ko .Meron din ako most behave ,best reader at marami pang iba .Hindi ko na tanda yung iba .


Class picture namin nung kinder :)



    Noon namang Grade 1 ako ,ang teacher ko non ay si mam Brione .Ang bait non kasi lagi na lang kaming may libreng tinapay kapag umaga ,magaling din siyang magturo .At ang hindi ko malilimutan kay mam kapag Valentine`s Day ay nagwa talaga siya ng paraan para manalo ang kaniyang muse at escort para sa Mr. and Ms. Valentine`s lahat naman ng kaniyang mga nagiging estudyante ay nananalo .Noon namang ako`y Grade 2 si ate naman ay Grade 3 ,laging nagagalit sa akin si ate kasi kapag may kaaway ako lagi ako sa kaniyang nagsusumbong .Noon ay naging muse ako nung Grade 2 ,ang saya pala kasi kapag kaawas ay magbabahay-bahay na kami sa panghihingi para mapadami ang aming ipon para manalo .Noong intramspumarada kami ang kapartner ko noon ay kaklase ko na escort naming si Arvin Kenneth Exconde .Malapit na ang Valentine`s Day nagbunutan ng kani-kaniyang partner para sa parada .Ang nabunot ko ay si John Carlo na Grade 6 na noon .Pumarada kami sa San Lorenzo lang ,mga nakasakay kami sa pedicab .Grade 3 kami ,sumayaw kami ng Cat Dance sa Sto.Angel Elementary School para sa Star Scout .Grade 4 kami nakilala ko ang 1st crush ko si Ramon Cargullo Jr. Naging mabuti naman kami magkaibigan  .Grade 5 kami nag-eensayo ang mga kinder ng kanilang graduation ,nagkalokohan kami ni Ramon kulitan at hanggang hindi ko sinasadya naitulak ko siya sa may hagdan ayun nabunot ang kaniyang isang ngipin ,napagalitan ako ni inay pati ng mga teacher .Ibinili ko naman siya ng gamot .Noong nagpasukan na ulit ang ginawa ng mga teacher pinagtabi na kami sa upuan tapos lagi na kaming niloloko .Grade 6 kami ang dami naming kalokohan ,may best friend ako ,3 kami laging magkakasama ,si Beverly Ramos at si Carla Ellaine Ticzon .lagi kaming hindi napasok kapag hapon .Lahat kaming magkaklase ay naliligo sa kakawa .Ang sarap kasing maligo kasi may falls .Nung minsan hindi kami pumasok ,naligo kami sa kakawa ayon naglalakad kami pauwi .Nahuli kami nina mam Hilda at sir Vinas ,napagalitan kami ,ipinatawag ang mga magulang namin ,hindi ko pinapunta si inay gawa ng papagalitan ako niyon .Malapit na ang graduation ,wala na kaming ginagawa noon ,minsan nah js kaming magkakaklase ,dun lang sa room namin ,ayon iyakan kami kasi alam naming magkakahiwa-hiwalay na kami ,graduation na eh .hindi makapagsimula gawa ng ang tagal ng isa kong kaklase ,sabi niya pagdating tinanghali siya ng gising ,ayon nagsimula na ang graduation ,ang saya namin pati si inay gawa ng dalawa ang medal ko pati ako nagtaka kasi alam ko isa lang .Pagkatapos non nag-uwian na kami .Maggagabihan na kinaon ako nila Joy Maristela at Beverly Ramos ,pupunta daw kami kila Kelvin .Bakasyon lagi kaming nasa amin ni ate wala na kaming ginawa kundi mag-away 



Sumayaw kami ng Cat Dance :)


     Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School doon ako nag-enrol nung 1st year .Ang una kong naging Best Friend ay si Ladilyn Puno .Ang favorite ko nung 1st year kami ay lagi kaming nagawa nang tula sa Filipino .Ang teacher namin ay si Sir Lacsam ,ang pinakamagandang tulang nagawa ko ay ang Makata .Ang taas ng marka ko dun sa ginwa ko .Pagkatapos non ,ginurupo kami at nagpaligsahan sa paggawa ng tula ang grupo namin ay nakakuha ng 2nd place .Tinula namin noon ay ang Anino na gawa ni Jennifer Timbas . 


   2nd year ako ,ang dami saming nawala pero ang dami ding dumagdag .Sa TLE naggawa kam ng short pati lumaban kami sa Florante at Laura .Ang saya  ,ako ay mang-aawit noon at nakakuha kami ng 2nd place .Nagbakasyon sa amin ang lola ko ang malungkot noon magpapasukan na ,si ate ay sumama kay lola sa Batanes .Doon siya pumasok ng 3rd year ,malungkot kasi wala na akong kasama pagpasok .


    3rd year nakilala ko ang 1st boy friend ko ,si Leonel Quinto ,sinagot ko siya nung November 28, 2009 at tumagal kami ng 9months .Tulad sa isang relasyon kala namin hindi na kami magkakahiwalay .pero naghiwalay pa din kami .Nung naghiwalay kami nakilala ko naman si Kim ,siya ang aking 2nd Boy friend ko ,dahil sa kaniya nakalimutan ko si Leonel ayon akala ko kami na ulit pero yun pero hindi .Nung 2 months kami hindi na siya nagparamdam .December 22, 2011 hindi ko makakalimutan ang pinakamsamang araw ,namatay ang lolo ko ,lahat kami malungkot kasi napakabait ng lolo ko .


High School Musical .
Katribo`17 ..


    4th year nakilala ko ang aking mga katribo ,Sila Badet,Cath,Pau,Rubilyn at Loren .Lagi kami magkakasama kahit saan ,lagi kami nagpapayuhan tungkol sa Love Life lalo na kay Cath na laging maraming problema .Noong November 04, 2011 ang saya naming lahat nanganak si tiya ng pangalawa niyang anak si Jared ,ang poging bata .Noong December 04, 2011 sinagot ko si Alwin Caballa ang Boy Friend ko na pinakamamahal ,ang saya ko kapag lagi siyang kasama .Nagpasko ,malungkot pati na nung Bagong Taon kasi hindi umuwi si ate .Tatlo lang kaming magkakasama noon .Pebrero 11, 2011 nag JS kaming tribo ,4 lang kaming sumama pero masaya ang Hawaiian Party .Pebrero 20, 2011 binyagan ng pinsan ko pati birthday ng kapatid niya ,si Jared ang una kong inaanak na pinsan ko din .Ito po ang talambuhay ko .


Ito ako ngayon .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento